Project DIGUNG, mas magpapaigting sa anti-illegal drugs campaign sa Pangasinan

 

Mas pinalawak ang kampanya ng Police Provincial Office (PPO) laban sa iligal ng droga sa pamamagitan ng Project Digung o Droga’y Iwaksing Ganap, Upang baNsay Mapayapang Ganap.

Ito’y magagawa sa pagkakaisa ng Local Government Unit (LGU) Deped, Ched, PNP legal service, PNP Crime Laboratory, IBP o Integrated Bar of the Philippine, KBP o Kapisanan ng mga Broadcaster ng Pilipinas, Provincial Anti-Drug Abuse Council o PADAC, MADAC at BADAC.

Ayon kay P/Supt. Jackie Candelario, Information Officer at Deputy Provincial Director for Operation ng PPO, bahagi ito sa pinaigting na anti-illegal drugs campaign sa pamamagitan ng pagsasailalim sa drug testing ng lahat mula sa nasabing grupo.

 

Maliman dito, tutukan din umano ng PPO ang malalaking unibersidad sa Pangasinan dahil sa mga natanggap na ulat na may mga estudyante na sangkot sa iligal na droga.

 

Ang tinig ni P/Supt. Jackie Candelario, Information Officer at Deputy Provincial Director for Operation ng PPO sa panayam ng Sonshine Radio.

Speak Your Mind

*