Provincewide cyber education centers, kauna-unahang ilulunsad sa Pangasinan

Sasailalim sa pagsasanay ang mga City, Municipal Librarians at iba pang mga kawani na lalawigan ng Pangasinan sa Center Managers Training sa Provincial Library na sinimula kahapon July 27 hanggang ngayong araw July 28.

Ito ay bilang paghahanda sa ilulunsad na ‘mass’ Technology for Economic Development o Tech4ED Computer Centers.

Ayon kay Engr. Mario Antonio Aya-Ay, isang Tech4ed Luzon Cluster II Focal Person, ang proyekto ay maituturing isang ‘milestone’ sapagkat ang pangasinan ang kauna-unahang lalawigan na nagsagawa ng Tech4ED Program.

Sa pamamagitan ng Tech4ED computer centers, magkakaroon na ng access ang bawat Pangasinense sa lahat ng online government services, mga skills training, e-learning on demand, mga employment opportunities at entrepreneurial services.

Pagkatapos ng training, ang mga librarians at mga dumalong staff ang magtuturo naman sa kanilang mga kabarangay sa pagbubukas ng kanilang kani-kaniyang cyber centers.

Speak Your Mind

*