Publiko, pinag-iingat sa mga fungal infection na nakukuha ngayong tag-ulan

Pinag-iingat ng Municipal Health Office (MHO) sa bayan ng Mangaldan, Pangasinan ang publiko sa mga fungal infection na nakukuha ngayong panahon ng tag-ulan.

Kabilang na umano rito ang sakit na alipunga na madalas kumapit sa paa na laging babad sa tubig baha, at hindi nagpapatuyo ng paa bago magsuot ng sapatos.

Ayon kay Dra. Ofelia Revera, MHO Officer ng Mangaldan na sakit na alipunga ay madaling lumipat at nakahawa sa iba.

 

Ang alipunga aniya ay nagdudulot ng pangangati at pagkasugat ng singit sa daliri ng paa, at nagbibigay ng mabahong amoy.

Dagdag pa ni Revera na sakali maranasan na ang mga sintomas ng alipunga ay magpakonsulta sa doktor, at tiyaking tuyo ang susuuting medyas at sapatos.

Speak Your Mind

*