Red Cross-Pangasinan, nasagawa ng Blood Summit at Workshop Seminar

Nagsagawa ng kauna-unahang Blood Summit at Workshop Seminar ang Philippine Red Cross Pangasinan Chapter bilang bahagi sa selebrasyon ng Worl Blood Donors Day noong buwan ng Hunyo.

Ayon kay Raymond Lim, Blood Donors Recruitment Officer ng Red Cross-Pangasinan, ginawa ang naturang summit sa lungsod ng Urdaneta, bahagi ng Eastern Pangasinan at lungsod ng Dagupan, bahagi naman ng mga kinatawan ng Western Pangasinan.

Dinaluhan ito ng mga coordinators mula saa ibat-ibang kumpanya, organisasyon, schools, at mga Local Government Units (LGU’S) kung saan nabuo dito ang schedule ng blood donation sa buong taon.

Dagdag pa ni Lim na maganda ang resulta ng naturang summit dahil napag-usapan din kung ano ang pangangailangan at ano ang maitutulong ng bawat isa.

Kabilang na aniya rito ang hiling na magkaroon ng Basic Life Support Training at First Aids Kit mula sa serbisyo ng Red Cross.

Ang tinig ni Raymond Lim, Blood Donors Recruitment Officer ng Red Cross-Pangasinan

Speak Your Mind

*