Rehabilitasyon ng mga drug dependent ipinaaako sa PhilHealth

Pinangako ni Senador Tito Sotto sa Philipine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang posibleng pagsasailalim ng mga drug dependent sa mga proseso ng rehablitasyon.

Layon ng nasabing mugkahi ng senador na tuluyang magamit ang lahat ng pribadong rehab facilities sa bansa.

Giit pa ng senador may sapat naman aniyang pondo ang PhilHealth para tustusan ang panukala nito sakaling pumasa ito sa Senado.

Samantala, sa kaugnay na balita, handa naman umanong gastusan ng pamahalaan ang pagpapalibing ng mga napapatay na drug users at pushers na bigo ring i-claim ng mga kaanak nito.

Batay sa ulat, panay na umano ang reklamo ng ilang punerarya dahil sa halos tambak na bangkay sa kanilang storage na wala namang claimants.

Speak Your Mind

*