Sen. Ejercito, nagpasok ng not guilty plea sa kasong Technical Malversation

Nagpasok ng not guilty plea si Senador Jv Ejercito para sa kanyang kasong Technical Malversation sa Sandiganbayan.

Kaugnay ito ng umano’y maanomalyang pagbili ng mga baril gamit ang Calamity Fund ng San Juan City noong siya pa ang alkalde ng lungsod.

Ani Ejercito kumpyansa siya na mababasura ang kaso.

Una nang itinanggi ni Ejercito ang kaugnayan niya sa umano’y maanomalyang pagbili ng baril.

Itinakda naman sa setyembre a-otso ang pre-trial sa kaso ni Ejercito.

Speak Your Mind

*