Sen. Villar muling inihain ang panukalang batas na naglilikha ng  coconut levy trust fund

Muling inihain ni Sen. Cynthia Villar sa 17th congress ang panukalang batas na naglilika ng Coconut Levy Fund bilang isang trust fund.

Base sa Senate Bill 139 or Coconut Farmers and Industry Development Act ito ay magdedeklara ng coconut levy assets bilang trust fund benefit para sa 3.5 million coconut farmers.

Ayon kay Sen. Villar na sa pamamagitan ng panukalang batas na ito ay matutulungan ang mga magsasaka ng niyog na hindi lamang pang short term kundi pang long term solution sa kahirapan na nararanasan ng mga coconut farmers.

Inihayag pa ni Villar ang tunay na kalagayan ng mga magniniyog na isa sa maituturing na pinakamahirap na sector ng agrikultura,

Ani Villar kumikita lamang ng P50 kada araw ang mga coconut farmers.

Speak Your Mind

*