SESP ng OWWA Region1, bukas na para sa lahat ng OFW dependent

Bukas parin sa lahat ng mga Overseas Filipino Workers (OFW) na active member ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at sa kanilang mga dependents ang Skills for Employment Scholarship Program (SESP).

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio kay Justin Paul Marbella, Labor Communications Officer ng OWWA Region 1, ang isang OFW’S o ang kanyang qualified dependent gaya ng anak, asawa at kapatid na gustong kumuha ng kahit anong technical-vocational course na accredited ng TESDA ay maaaring maka-avail ng SESP.

Ang kailangan lang aniya ay nakapasa sa mga kaukulang requirement gaya qualifying examination at maaari nang makuha ng educational assistance mula sa owwa na may maximum P14,500.

Paalala naman ni Marbella na tiyaking qualified OFW dependent para mapabilang sa Education and Training Programs ng OWWA.

 

Ang tinig Justin Paul Marbella, Labor Communications Officer ng OWWA Region 1, sa panayam ng DZRD Sonshine radio

Speak Your Mind

*