Social pension, hindi lahat matatanggap ng mga miyembro ng senior citizen

Hindi lahat ng mga senior citizen ay tumatanggap ng social pension na nagkakahalaga ng limandaang piso kada buwan.

Ito ang binigyang linaw ni Atty. Cornelia Español, President ng Office of Senior Citizens Affairs, alinsunod sa Republic Act 9904 o mas kilala bilang “expanded senior citizens act of 2010.”

Ayon kay Español, ang tanging benepisaryo ng social pension ang mga indigent senior citizens o yung mga walang pagkukunan ng kabuhayan.

Inihayag ito ng OSCA President dahil sa dami ng nag-aakala na lahat ng mga senior citizen ay maaaring makatanggap ng social pension.

Sa ngayon, umaabot na aniya sa dalawanlibo dalawang daan ang kabuuang bilang ng mga benepisaryo ng social pension sa lungsod ng Dagupan.

Speak Your Mind

*