Sumukong mga drug pushers at users sa Bicol Region, mahigit 20,000 na

Umaabot na sa mahigit dalawampung libong sumukong mga drug pushers at users sa Bicol Region.

Kaugnay ito sa ipinatutupad na Oplan Tokhang sa iba’t-ibang bahagi ng rehiyon.

Nabatid na mahigit sa labing walong libo dito ay mga drug user, habang mahigit sa isanlibo rito ay mga drug pushers.

Sa lungsod ng naga ay tinapos na ng lokal na pamahalaan kahapon ng umaga ang pagtanggap sa mga sumusukong drug dependents.

Sakaling may susuko pa ay ang PNP na ang tatanggap sa kanila at doon na rin ang mga ito manunumpa.

Speak Your Mind

*