Suplay ng NFA rice sa lalawigan ng Pangasinan, nananatiling matatag

Tiniyak ng National Food Authority o NFA Western Pangasinan na matatag ang suplay ng nfa rice sa lalawigan ng Pangasinan.

Sa ngayon, umaabot pa sa mahigit dalawang libong sako ng NFA rice ang nailalabas ng nfa kada araw, sapat para sa pangangailangan ng mga Pangasinense.

Ayon kay Juliet Orias, Assistant Manafer ng NFA Western Pangasinan na pagpasok palang ng lean month ay napaghandaan na nila ang pagtaas ng presyo ng commercial rice.

Nanatiling umanong nasa P27 hanggang P32 ang kada kilo ang presyo ng NFA rice na mabibili sa merkado.

Samantala, pinaghahandaan narin umano ng NFA ang inaasahang mararanasang La Nina kung saan aabot sa 300,000 sako ng NFA rice ang kailangan nilang ireserba para sa posibleng pagtama ng kalamidad.

—–

NFA Western Pangasinan, kinumpirma ang pagtaas ng presyo ng commercial rice

Aminado ang National Food Authority o NFA Western Pangasinan na tuloy-tuloy ang pagtaas ng presyo ng commercial rice sa mga pamilihan sa lalawigan.

Ito ayon kay Juliet Orias, Assistant Manafer ng NFA Western Pangasinan ay dahil sa nararanasang lean month kung saan tapos nang umani ng palay ang nga magsasaka.

Batay sa monitoring ng NFA, tumaas na P2 hanggang P4 ang presyo ng commercial rice sa pagpasok palang ng buwan ng Hunyo bunsod narin ng nakakaranasang tag-ulan.

Sa ngayon naglalaro na sa P35 hanggang P46 kada kilo ang presyo ng commercial rice malayo sa P27 hanggang P32 ang kada kilo ang presyo ng NFA rice.

Speak Your Mind

*