Suporta sa sektor ng mga PWDS, patuloy na ginagawa sa Pangasinan

Namahagi ng mga assistive devices tulad ng wheelchairs, walkers at crutches ang provincial government ng Pangasinan bilang suporta sa sektor ng mga person with disability (PWDS).

Bahagi ito sa isinagawang PWD sensitivity training na inorganisa ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) kasabay sa pagdiriwang ng ika 38th national disability prevention and rehabilitation week.

Ayon kay PSWDO Officer Emil Samson, sa nasabing training inilunsad din ang PWD awareness upang magkaroon ng pagbabago sa pananaw patungkol sa mga pwds.

Dagdag pa ni Samson, na ang pagkakaroon ng mga pag-uusap at konsultasyon sa sektor ng pwds at ibang stakeholders ay regular na ginagawa upang malaman ang kanilang pangangailangan.

Speak Your Mind

*