Taiwan, nagpadala ng barkong pandigma sa West Philippine Sea

Naglayag na sa West Philippine Sea ang isang warship ng Taiwan isang araw matapos ilabas ng Permanent Court of Arbitration ang desisyon sa agawan sa teritoryo sa rehiyon.

Ayon kay Taiwanese President Tsai Ing-Wen, determinado silang depensahan ang maritime territory ng kanilang bansa.

Isa rin kasi sa naging desisyon ng Arbitral Tribunal ay ang pinaka-malaking isla sa spratlys na inaangkin ng Taiwan.

Ayon sa Tribunal, isa lamang bato ang taiping kaya’t hindi maaaring isailalim sa exclusive economic zone kaya’t mababalewala ang pag-angkin doon ng Taiwan.

Hindi umano katanggap-tanggap ang naturang ruling at hindi legally binding dahil sa hindi naman inimbitahan ng Arbitral Tribunal ang Taiwan para makiisa sa pagdinig.

Patuloy din umano ang gagawin nilang pagpapadala ng mga eroplano at barkong pandigma para mag-patrol sa rehiyon.

Speak Your Mind

*