Tatlo patay, tatlo sugatan sa naganap na pamamaril sa Lousiana

Tatlo ang patay habang tatlong iba pa ang sugatan sa naganap na pamamaril sa baton Rouge City sa Louisiana.

Ayon kay Baton Rouge Police Department Spokesman Sgt. Don Coppola, bago ang insidente ng pamamaril, nakatanggap sila ng tawag mula sa kahina-hinalang tao kung saan may armadong lalaki umanong naglalakad sa bahagi ng airline highway.

Nang dumating ang mga tauhan ng pulisya sa lugar, agad umanong pinagbabaril ang mga ito na ikinasawi ng tatlo nilang kasamahan.

Patay naman ang isa sa mga suspek habang pinaniniwalaan namang nakatakas ang nasa dalawa pang iba pa.

Nanawagan naman si Coppola sa mga residente na agad na ipagbigay alam sa kanilang tanggapan kung may makitang mga kahina-hinalang tao sa kanilang lugar.

Sa ngayon, inaalam pa nila ang motibo ng mga suspek sa pamamaril.

Speak Your Mind

*