Tatlong empleyado ng LGU Mangaldan, sinibak matapos magpositibo sa drug test

Tuluyan nang sinibak sa serbisyo ang tatlong empleyado ng Local Government Unit (LGU) ng bayan ng Mangaldan, Pangasinan matapos na magpositibo ang mga ito sa drug test.

Una rito, sumailalim sa mandatory drug testing ang mahigit 300 emplyado ng lgu mangaldan matapos itong pangunahan ni Mayor Bonafe de Vera–Parayno para pabulaanan ang umanoy pagkaka-ugnay niya sa iligal na droga.

Ayon kay Mayor Parayno, pawang mga job orders employees ang nagpositibo sa drug testing na isinagawa ng provincial crime laboratory kamakailan.

Ang naturang hakbang ay upang makamit ng bayan ang drug free municipality kahit nasa mahigit 200 emplyado pa ang munisipyo ang hindi sumasailalim sa drug testing.

Samantala, nakatakda namang sumailalim sa mga community service ang mahigit animnapung buluntaryong sumuko na gumagamit at nagtutulak ng iligal na droga.

Speak Your Mind

*