Taunang pagtataas ng matrikula, hindi umano pinapayagan ng CHED

Nilinaw ni Commission on Higher Education (CHED) Region 1 na hindi pinapayagan ng komisyon ang taunang pagtataas ng matrikula ang isang unibersidad.

Ito ang inihayag ni CHED Region 1 Program Management Unit’s Grant Coordination Officer Mel Ancheta, sa panayam ng DZRD Sonshine Radio.

Ayon pa kay Ancheta, bago maaprubahan ang pagtataas ng matrikula ay kailangan itong dumaan sa mahigpit na minomonitoring gaya kung nasusunod ang CHED guidelines.

Nabatid na sa ilalim ng CHED Guidelines, 70 percent sa increased tuition fees ay gagamitin para itaas ang sahod ng faculty staff; 20 percent para sa improvement ng school facilities; at 10 percent para sa kanilang return of investment.

Samantala naniniwala naman si Ancheta na kailangan parin magtaas ng matrikula ang isang unibersidad dahil sa pagtaas ng basic commodities.

Speak Your Mind

*