Taxi Driver sa Boston, nagbalik ng 187,000 Dollar Cash sa kanyang pasahero

Umani ng papuri ang isang Taxi Driver sa Boston makaraan nitong ibalik ang 187,000 Dollar Cash na katumbas ng halos siyam na milyong piso na naiwan ng kanyang pasahero.

Naiwan umano ng pasahero ang bag pack sa backseat ng taxi matapos magpahatid sa isang hotel sa boston.

Sa halip matukso ang taxi driver na si Raymond Maccausland sa pera, nanaig pa rin dito ang katapatan at dinala ang pera sa Boston Police Headquarters.

Ayon sa pagsiyasat ng pulis, lumabas na pina-encash ng lalaki ang tseke na kanyang namana mula sa amang pumanaw.

Makailang beses na rin umanong nagbalik ng pera ang naturang taxi driver sa mga naiiwan ng kanyang mga pasahero.

Speak Your Mind

*