Tres Kantos, wagi sa “We Love OPM Celebrity Edition” ng Kapamilya

Wagi ang grupong Tres Kantos sa We Love OPM Celebrity Edition noong sunday night sa Newport Performing Arts Theater.

Deserving silang manalo dahil consistent ang galing sa performance nina Bugoy Drilon, Jovit Baldivino at Dominador Aviola.

Nakakuha ang Tres Kantos na ang mentor ay si Erik Santos ng 80.45% na combined scores mula sa public votes at score na ibinigay ng music icon na si Maestro Ryan Cayabyab.

Nag-uwi ang grupo ng P2M, na ang kalahati ay mapupunta sa kanilang napiling charity, ang Casa San Miguel.

Tinalo ng Tres Kantos ang Oh My Girls na binubuo nina Ylona Garcia, Krissha Viaje at Alexa Ilacad na may 58.27% ang combined scores na ang mentor ay si Yeng Constantino

Nagkamit naman ng 57.78% ang O Diva na kinabilangan nina Emmanuelle Vera, Liezel Garcia at Klarisse de Guzman na mentor ay si KZ Tandingan.

Speak Your Mind

*