Truck ban, mahigpit nang ipinapatupad sa Dagupan

Mahigpit nang ipinapatupad ang truck ban sa lungsod ng Dagupan na sinimulan noon nakaraang linggo.

Bunsod umano ito ng mabigat na trapiko sa Central Business District ng Dagupan kung saan bawal ng pumasok ang mga 10 wheeler trucks at mga sasakyang may bigat na 4,000kilograms simula alas sais ng umaga hanggang alas nuebe ng gabi.

Ayon naman kay City Action Service Team (CAST) Chief Ret. SPO4 Carlito Ocampo, may konsiderasyon naman ang pagpapatupad ng truck ban kung saan pinapayagan naman ang mga sasakyan na naglalaban ng mga produktong nasisira tulad ng gulay at isda.

Nabatid na noong 2002 pa ipinasa ang ordinansa ng truck ban, ngunit ngayon lamang mas mahigpit na naipapatupad kung saan ang mga mahuhuling lumabag ay papatawan ng P100 sa unang paglabag, P300 sa ikalawa at P500 sa ikatlong paglabag.

Speak Your Mind

*