“Wild diseases”, binabantayan ng PHO kasabay sa pagpasok ng tag-ulan

Kasabay sa pagpasok ng tag-ulan, patuloy na binabantayan ng Provincial Health Office (PHO) Pangasinan sa mga sakit hindi lang mga infectious diseases kundi ang tinatawag na “wild diseases”.

Ayon kay Rodha Binay-An, Disease Survilance Officer ng PHO, ang wild diseases ay mga usong sakit ngayon tag-ulan gaya ng W- o water acute diarrhea diseases.

Kasama rin dito ang I- o influenza like illness na kalimitang sakit ng mga bata na ubo, sipon at lagnat.

Sinabi pa ni Binay-An na ang L- ay kilalang sakit na leptospirosis na nakukuha sa tubig baha at ang D- bilang dengue na nakukuha naman sa kagat ng lamok.

Paalala naman ng PHO na mas dapat bantayan ang sakit na dengue dahil nararanasan na ito hindi lang panahon ng tag-ulan.

Ang tinig ni Rodha Binay-An, Disease Survilance Officer ng Provincial Health Office.

Speak Your Mind

*