Zero tolerance, ipatutupad ni duterte sa mga pulis na inaabuso sa kapangyarihan

Nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga miyebro ng Philippine National Police na gawin nito ng mabuti ang kanilang trabaho at huwag abusuhin ang kapangyarihan nito.

Sinabi ni Duterte na ipatutupad nito ang zero tolerance sa kahit sinuman sa mga opisyal at kawani ng pambansang pulisiya kapag gumawa ito ng pangaabuso o kahit anong labag sa batas.

Tiniyak naman ng Pangulong Duterte na handa itong magpakamatay at protektahan sila kung gagampanan nito ng mabuti ang kanilang mandato.

Matatandaang sinabi ni Duterte na kaniyang sisilipin ang track record ng mga opisyal ng PNP lalong-lalo na ang mga nasasangkot sa iligal na gawain.

Speak Your Mind

*