10-15 percent na mga bayan sa Pangasinan, sumailalim na sa Project DIGUNG

PNP CandelarioUmabot na sa sampu hanggang labin limang porsyento sa mga munisipalidad sa lalawigan ng Pangasinan ang sumasailalim na sa “Oplan Digung” ng Pangasinan Police Provincial Office (PPPO).

Ito ang inihayag ni P/Supt. Jackie Candelario, Deputy Officer for Operation ng PPPO, kung saan mayroon na umanong mandato ang provincial director na sumailalim sa random drug test ang lahat ng kawani ng bawat munisipalidad sa Pangasinan.

Target umano ng Project Digung sa Pangasinan na mapuntahan ang lahat ng bayan sa lalawigan sa loob ng tatlong buwan

Kasabay nito, tiniyak naman ng PPPO na ang pagpapatupad ng Project Digung ay hindi “lingas kugon” lamang kundi ito ay tuloy-tuloy ng isasagawa sa lalawigan lalot mismong ang mga local executive ay positobong pagtugon sa naturang programa.

Speak Your Mind

*