95% ng mga hepe sa Pangasinan, maaapektuhan ng malawakang balasahan

Aabot sa siyamnaput limang porsyento ng bilang ng mga hepe pulisya sa lalawigan ng Pangasinan ang maaapektuhan na balasahan na sinimulan na ang pagpapatupad kahapon.

Ayon kay PS/Supt. Ronald Lee, Officer in Charge ng pangasina police provincial office o PPPO, resulta umano ang malawakang balasahan ng mass promotion ng hepe noong nakaraang buwan.

Marami narin umano sa mga hepe ang over rank na sa kanilang puwesto kayat kailangan ng ilipat ng ibang posisyon.

Kabilang din sa tatamaan ng balasahan ang mga hepe ng pulisya na over staying bilang chief of police gaya ng hepe ng Dagupan at Urdaneta City.

Sinabi pa ni Lee na ang nasabing balasahan ay naaayon sa standard operation procedure ng pnp.

Samantala, nakatakdang palitan ni P/Supt. Neil Miro si Police Supt. Christopher Abrahano, bilang hepe ng pulisya sa lungsod ng Dagupan

Speak Your Mind

*