Aga Muhlach, magbabalik sa showbiz dahil sa Pinoy Boyband Superstar

Pagkalipas ng anim na taong pamamahinga sa showbiz ay muling nagbabalik si Aga Muhlach para maging isa sa mga hurado ng Pinoy Boyband Superstar ng Kapamilya Network na mapapanood na sa buwan ng Setyembre.

Makakasama ni Aga bilang kapwa hurado sina Vice Ganda, Yeng Constantino, at sanDara Park.

Pumirma na ng kontrata si Aga para sa nasabing reality show, kasama ang long-time manager niyang si Manay Ethel Ramos.

Ayon kay Aga, hindi naging madali sa kanya ang magdesisyon sa muling pagbabalik sa showbiz dahil anim na taong naging normal ang buhay niya bilang asawa ni Charlene Gonzales at ama ng kambal na sina Atasha at Andres.

Speak Your Mind

*