Aiza Segurra, itinalagang chairperson ng National Youth Commission

Itinalaga bilang chairperson ng National Youth Commission ang singer at song writer na si Aiza Seguerra.

Ito ang kinumpirma ni Presidential Spokesperson Ernie Abella sa isang pagtitipon.

Ayon kay Abella, may tatlong taon na maninilbihan si Aiza kapalit ni Gio Tingson.

Nakatakdang manunumpa si Aiza kay Pangulong Rodrigo Duterte sa martes.

Samantala, itinalaga naman bilang chairperson ng Film Development Council of Philippines ang kapareha ni Aiza na si Liza Diño.

Papalitan ni Liza si Director Briccio Santos.

Matatandaan na ang dalawa ay boluntaryong tumulong sa kampanya ni pangulong Duterte noong panahon ng eleksyon.

Speak Your Mind

*