Alden Richards, pinakamaraming parangal sa PEP List Year 3

Nasungit ng kapuso aktor na si Alden Richards ang pinakaraming award sa PEP List Year 3 na ginanap kagabi.

Wagi si Alden bilang Male Star of the Year, Stylish Stars of the Night at Newsmaker of the Year kasama ang ka-love team na si Maine Mendoza A.K.A Yaya Dub.

Sila rin ni Maine ang itinanghal na Celebrity Pair of the Year ng PEP.

Ang Pambansang Bae rin ang nakakuha ng Best Peptalk Episode of 2015.

At dahil absent si Maine sa awarding night, si Alden ang tumanggap ng kaniyang award bilang Breakout Star of the Year.

Speak Your Mind

*