Angel Locsin, binura na ang pictures nila ni Luis Manzano  sa social media account

Pinagbubura na ng kapamilya aktres na si Angel Locsin sa kanyang instagram account ang lahat ng larawan kung saan kasama niya ang kanyang ex-boyfriend na si Luis Manzano.

Ito ang napansin ng mga Instagram followers ni Angel makaraan linisin niya ang kanyang post sa social media account.

Kabilang sa binura ni Angel ang larawan nila ni luis na kuha nung dumalo sila ng Philippine Fashion Ball noong 2015.

Burado na din ang larawan ng mag-ex-couple ng pumunta sila sa U.S noong December 2015.

Matatandaang nagkahiwalay sina Angel at Luis bandang umpisa lamang ng taong kasalukuyan.

Wala naman tuwirang pahayag ang dalawa sa tunay na dahil ng kanilang hiwalayan.

 

Speak Your Mind

*