Anti-poverty program ng TESDA, palalakasin sa mga barangay

TESDA Querubin 2Makikilala na ngayon ang Technical Education and Skills Development Authority o TESDA bilang ahensya na anti-poverty program sa ilalim ng Duterte Administration.

Ito ang inihayag ni TESDA Regional Director Ceron Querubin sa panayam ng DZRD Sonshine Radio.

Sinabi ni Querubin na sa pamamagitan ng Technical Vocational Education and Training (TVET) maaabot ng TESDA ang poverty reduction sa mga marginalized sector’s.

Ayon pa kay Querubin, sa dalawang estratehiyang na TVET for global competitiveness at TVET for social equity makakamit din ang isa sa TESDA’S 12-point agenda na Barangay Skills Training Program.

Personal umanong magtutungo ang TESDA sa mga barangay sa tulong ng mga barangay official para malaman kung sino ang mga nangangailangan ng training program upang matiyak ang pagbabago sa kanilang kabuhayan.

Speak Your Mind

*