Apat na hepe ng pulisya sa La Union, sabay-sabay na sinibak sa puwesto

Sabay-sabay na sinibak sa puwesto ang hepe ng pulisya sa apat na bayan sa lalawigan ng La Union dahil sa kanilang alkalde na kasama ang pangalan sa Narco-Politic na inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Kabilang sa mga nasibak sina Chief Inspector Rex Buyucan ng Bauang, Chief Inspector Ismael Gaona ng Naguilian, Senior Inspector Marlon Padamada ng Tubao at Chief Inspector George Depalog ng Agoo.

Ayon kay ni Police Superintendent Artemio Infante, Public Relations Officer ng La Union Police, ang naturang hakbang ay upang masiguro ang patas na imbestigasyon sa politikong sangkot sa illegal drug trade.

Bukod dito, una na ring ipinag-utos ng Pangulong Duterte na awtomatikong relieve na sa pagiging security escort ang lahat ng mga pulis at sundalo sa mga opisyal na sangkot sa iligal na droga.

Speak Your Mind

*