Aquacilviculture, inilunsad sa mga komunidad na malapit sa rivers banks

BFAR Jhonny ParaanInilunsad ng Municipal Fishery ng bayan ng San Fabian, Pangasinan ang aquacilviculture project para sa mga komunidad na malapit sa rivers banks.

Sa panayam ng DZRD sonshine radio, sinabi ni Jhonny Paraan, Municipal Fishery Officer ng bayan San Fabian na ito ay sa ilalim ng program ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).

Ang aquacilviculture ay sabayang pag-aalaga ng mga mangrove at mga high value fish species kagaya ng seabass.

 

Kasabay nito, tiniyak naman ni Baraan na hindi maaapektuhan ang ibang alagang isda na posibleng kainin ng seabass dahil kasama sa ibinigay na ayuda ng BFAR ang pagkain sa mga ito.

Bukod dito, kasama rin sa programa ng LGU’s San Fabian ang pagbibigay at pagtuturo sa kumunidad ng pag-aalaga ng mga mud crab o alimango.

—–

 

Pagtatanin ng mangrove sa mga rivers banks, malaki ang maitutulong sa aquaculture

Malaki ang maitutulong ng mangrove tree planting ng “Oplan Broadcastreing ng Kapisanan ng mga Braodcaster ng Pilipinas (KBP) sa mga kailugan o river bank ng bayan ng san Fabian, Pagnasinan.

Ayon kay Jhonny Paraan, Municipal Fishery Officer ng bayan San Fabian, ito ay dahil magsisilbing breeding ground ng mga isda ang itatanim na bakawan sa tabing ilog.

Bukod dito, magsisilbi ring pagkain ng mga isda ang mabubulok na dahon ng mangrove na nagiging organismo na tinatawag na soplankton at phytoplankton

Higit sa lahat, ang pagtatanim aniya ng mga bakawan sa gilid na kailugan ay nagsisilbing proteksyon laban sa kalamidad at maaari ring pagkuhaan ng kabuhayan ng kumunidad

 

Ang tinig ni Jhonny Paraan, Municipal Fishery Officer ng bayan San Fabian, sa panayam ng DZRD Sonshine Radio.

 

Comments

  1. Bree Gaell says:

    Extra pera para sa iyo. Inirerekomenda ko Clixsense. Sumali ng libre ..

    http://www.clixsense.com/?8172285

Speak Your Mind

*