Best Life herbal syrup pinakukumpiska ng FDA sa Mercado

Naglabas ng babala ang food and drug administration sa publiko laban sa pag inom ng isang herbal syrup na may pangalang Best Life.

Gawa sa pinaghalu-halong sangkap ang Best Life kabilang ang luya, bawang, honey, lemon at iba pa at nakatutulong umano ito sa circulatory system.

Sa FDA advisory, nakasaad na hindi rehistrado sa fda ang naturang food supplement

Bukod diyan, may mga therapeutic claims kasi ito na labag sa panuntunan ng ahensya, tulad ng nakakalusaw umano ito ng blood clot at cholesterol sa mga ugat sa puso

Inatasan ni FDA Director general maria lourdes santiago Ang kanilang field offices na kumpiskahin ang mga produkto at hinimok ang mga lokal na pamahalaan na tiyaking wla nito sa kanilang mga pamilihan.

Iniimbestigahan na rin kung sino ang manufacturer ng produkto lalo’t hindi ito nakasulat sa bote at sa brochure.

Speak Your Mind

*