BFAR, sisimulan ang paghuhulog ng seabass sa ilog ng Dagupan

Posibleng masimulan na ngayong linggo ang paglalagay ng mga high value fish species na seabass sa mga ilog ng lungsod ng Dagupan.

Ito ang kinumpirma ni Dr. Westly Rosario, ang Center Chief ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) National Integrated Fisheries Technology Development Center (NIFTDC) sa panayam ng DZRD Sonshine Radio.

Ayon kay Rosario, ang hakbang na ito ay bilang pamuksa sa isdang gloria o mulmol na itinuturing nang salot sa mga palaisdaan at sa mga alagang bangus.

Bukod dito, akma rin umanong pamahayan ng mga seabass ang lugar na maraming mangrove.

Bukod dito, high value fish species na seabass ay mas mabilis lumaki, mas malakas ang resistensya at madaling alagaan dahil kaya itong mabuhay sa tubig alat at tubig tabang.

Speak Your Mind

*