BFP-Pangasinan, pinaghahandaan na ang 911 emergency reponse

Nanatiling nasa sampung bayan parin sa lalawigan ng Pangasinan ang walang sariling fire station at walang sariling tanggapan ang Bureau of Fire Protection (BFP) provincial office.

Isa ito sa nakikitang problema nang ahesya lalot pinaghahandaan na ang pagpapatupad ng 911 emergency reponse na adminisrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni BFP Provincial Director Arthur Sawate, sakaling magkaroon ng emergency ay itatawag yun sa 911 Central Office, at saka ibabato sa mga probinsya para sa agarang pagresponde.

Ganunpaman tiniyak ng BFP Pangasinan na handang-handa sila sa anumang sistemang ipatutupad ng pamahalaan.

Nabatid na ang mga lugar na walang sariling fire station ay ang mga bayan ng San Jacinto, Basista, Bautista, Urboztondo, Aguilar, Alcala, Burgos, Labrador, Sto. Tomas at bayan ng Bani.

Speak Your Mind

*