Bilang ng mga drug surrenderees sa Pangasinan, mahigit sa 11,000 na

Labing isang libo walumpot walo (11,088) ang bilang ng mga sumukong drug personality sa lalawigan ng Pangasinan simula nang ipatupad ng administrasyong duterte ang kampanya laban sa iligal na droga.

Inihayag ni PS/Supt. Ronald Lee, Officer-in-Charge ng Pangasinan Police Provincial Office (PPPO) na malayo ang naturang bilang sa kanilang orihinal na listahan ng mga sangkot sa iligal na droga na tatlong libo (3,000).

Nakakagulat aniya na sa naturang bilang, 10,311 rito ay mga sumukong drugs user habang 777 ay mga drug pushers sa buong Pangasinan.

Dahil aniya sa pinaigting na pagpapatupad ng Oplan Tukhang o Tuktok, Hangyu ay makamit nila ang mataas na bilang ng mga drug surrenderees.

Nilinaw naman ng PPO na ang lahat ng mga sumukong drugs personality ay dumadaan sa vilidation ng PNP kung saan marami rin aniya sa listahan ng mga surrenderees ang hindi dapat napasama sa listahan.

Speak Your Mind

*