Bob Arum, bibisita sa bansa para plantsahin ang comeback fight ni Pacquiao

Bibisita sa pilipinas sa susunod na linggo si Top Rank Promoter Bob Arum para pag-usapan ang comeback fight ni Senador Manny Pacquiao na nakatakda sa Nobyembre.

Inanunsyo ito ni Arum sa pamamagitan ng twitter.

Inaasahang paplantsahin ni Arum ang mga detalye sa planong November five fight ni Pacquiao.

Napaulat din na si WBO Welterweight Champion Jessie Vargas ang napipisil na makakalaban ni Pacquiao.

Kinumpirma na rin ni Vargas na may nagaganap nang negosasyon sa pagitan ng kanyang kampo at ni Pacquiao.

Wala pa namang kumpirmasyon si Pacquiao kung si Vargas na nga ba ang kanyang makakasagupa.

Speak Your Mind

*