BPO, posibleng magkaroon na sa Dagupan ngayong taon – DOLE

DOLE BailonPosibleng masimulan na ngayong taon ang pagkakaroon ng mga Business Process Outsourcing o BPO sa lungsod ng Dagupan.

Ito ang inihayag ni Engr. Engracio Bailon, Chief ng Department of Labor and Employment o DOLE-Central Pangasinan sa panayam ng DZRD Sonshine Radio.

Sinabi ni Bailon na ang pagkakaroon ng BPO sa Dagupan ay isa sa prayoridad ng proyekto ni City Mayor Belen Fernandez.

Sakali naman aniyang masimulan ito ay maraming Dagupenyo ang magkakaroong ng tyansang magkatrabaho lalot ang kailangang mga call center agent ay mga active at energetic.

Tiniyak naman ng DOLE na oras na masimulan ng bpo ay babantayan nila ang mga karapatan at oras ng trabaho ng mga call center agent.

Ang tinig ni Engr. Engracio Bailon, Chief ng DOLE-Central Pangasinan sa panayam ng DZRD Sonshine Radio.

Speak Your Mind

*