Camp Tito Abat, suportado na gawing Rehabilitation Center ng kampo

Suportado ng Camp Tito Abat sa bayan ng Manaoag na gamitin ang kanilang pasilidad para gawing Rehabilitation Center ng mga sumukong drug personality sa lalawigan ng Pangasinan.

Ito ay kaugnay sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na gagamitin ang mga kampo ng militar para sa Drug Rehabilitation Program kasabay sa ipinaigting na anti-drug abuse campaign.

Sa panayam ng Sonshine Radio, sinabi ni Sgt. Michael Zoratos, ng 51st Engineering Support Batallion sa Camp Tito Abat, nagsagawa na inspeksyon ang provincial government para sa gagamiting pasilidad sa nasabing rehabilitation center.

Posibleng gamitin naman aniya ang Regional Community Defense Group kung saan ito ang ginagamit sa pagsasanay ng mga reservist sa Camp Tito Abat.

Sa ngayon, umaabot na sa 9,000 katao ang mga sumusukong sangkot sa paggamit at pagtutulak ng ilegal na droga sa Pangasinan.

Speak Your Mind

*