Carabao based industry, patuloy na isinusulong ng philippine carabao center

Phil Carabao Gloria Dela Cruz 4Patuloy na isinusulong ng Philippine Carabao Center (pcc) ang pagbuhay ng “carabao based industry” bilang alternatibong pagkukunan ng kabuhayan ng mga magsasaka.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio, sinabi ni Gloria Dela Cruz, Director ng Philippine Carabao Center na nakabase sa Rosario La Union na ang pag-aalaga ng kalabaw ay hindi na lang magagamit sa pagsasaka kundi maaari narin itong gawing livelihood production.

Sa pamamagitan aniya ng pag-gagatas ng kalabaw o carabao dairy processing ay maisusulong ang “carabao based industry”

 

Ipinaalala naman ni dela cruz na huwag katayin ang magagandang lahi ng kalabaw o mga babae kalabaw na maaari pang manganak para hindi maubos ang lahi nito.

Batay sa datos ng Philippine Carabao Center, wala na halos nag-aalaga ng kalabaw sa eastern pangasinan at mangilan-ngilan na lamang Western Pangasinan kabilang na ang bayan ng Anda, Bolinao, Bani, Mabini, Burgos at Infanta.

Speak Your Mind

*