Comelec, tiniyak na maipapatupad ang anti-dynasty law sa SK Election

Tiniyak ng Commission on Elections o Comelec Pangasinan na kanilang ipapatupad ang Anti-Dynasty Provision ng SK Reform Act of 2015 para sa nalalapit na Sangguniang Kabataan Elections sa Oktubre.

Kasabay ito sa pahayag ni Comelec Supervisor Atty. Marino Salas, na taga-patupad lamang sila ng batas, kayat kung ano ang mandato ng batas ay yun ang kanilang gagawin.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio kay Salas, sinabi nito ang Anti-Dynasty Provision ay para lamang sa mga kakandidato sa Sangguniang Kabataan o SK Elections.

Nilinaw pa ni Salas na ang lahat ng mga kakandidato sa barangay election ay hindi tatamaan ng ipapatupad na Anti-Dynasty Law o ang magkakamag-anak na politiko.

Samantala, nakatakda na umano ang pagpi-pila ang COC o Certificate of Candidacy sa darating na Oktober 3 hanggang Oktober 5, simula alas otso ng umaga hanggang alas singko ng hapon.

Speak Your Mind

*