Cong. Celeste, hindi umano maaaring panagutin ng Kamara

Hindi maaaring panagutin ng kamara si Pangasinan Representative Jesus Celeste kaugnay sa pagkakasangkot nito sa illegal drug trade sa bansa.

Ito ang paglilinaw ni House Majority Floor Leader Rodolfo Farinas matapos makasama si Celeste sa Narco-Politicians na ibinunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Paliwanag ni Farinas na nasangkot umano si Celeste sa iligal na droga ay noong alkalde pa lamang ito.

Sinabi ni Farinas na walang dapat ipaliwanag si Celeste sa mababang kapulungan ng kongreso.

Kaugnay nito, posible namang isailalim sa imbestigasyon ng Ethics Committee sa Kamara si Celeste.

Speak Your Mind

*