Consumer Awareness, itinuturo na ng DTI sa mga estudyante ng Pangasinan

Nasimulan na ng Department of Trade and Industry (DTI) Pangasinan sa mga paaralan ng lalawigan ng Pangasinan ang pagpro-promote ng “Consumer Awareness”.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio, sinabi ni DTI Chief Trade and Industry Development Specialist Marjury Loresco na ang “consumer education” ay bahagi na ng curriculum ng high school.

Mahalaga aniya na maturuan ang mga kabataan ng enhanced consumer protection program at malaman ng mga estudyante ang kanilang rights at responsibilities bilang consumer.

Sinabi naman ni Loresco na para hindi ma-boring ang estudyante sa isinasagawang forum o seminar ay idinadaan nila ito sa pamamagitan ng games gamit ang pagtuturo ng consumer rights, no return, no exchange policy at handling your own complaint.

Ang tinig ni Marjury Loresco, ang DTI Chief Trade and Industry Development Specialist sa panayam ng Sonshine Radio.

Speak Your Mind

*