Crime rate sa Metro Manila, bumaba ayon sa NCRPO

Bumaba ang crime rate sa Metro Manila.

Batay ito sa datos ng National Capital Region Police Office mula Hulyo a-tres hanggang Agosto a-tres.

Ayon kay NCRPO Director Oscar Albayalde, kabilang sa bumabang kaso ang carnapping, theft at robbery.

Tiniyak din ni Albayalde na kanilang iimbestigahan ang kaso ng mahigit pitungpu drug suspects na natagpuang patay.

Tiwala naman ang NCRPO na mareresolba ang krimen at ilegal na droga sa loob ng anim na buwan.

Speak Your Mind

*