Dagupan City, isinailalim na sa State of Calamity sa dahil sa Habagat

Isinailalim na sa State of Calamity ang lungsod ng Dagupan dahil sa malaking epekto ng pagbaha dala ng hanging habagat o southwest monsoon.

Ito ay matapos ang isinagawang special session ng Sangguniang Panlungsod (SP) kung saan idineklara ang State of Calamity base narin sa rekomendasyon ni Mayor Belen Fernandez.

Dumalo sa nasabing special session ng SP sina Councilor Guillermo Vallejos, Jose Netu Tamayo, Alvin Coaquia, Dennis Canto, Nicanor Aquino, Marvin Fabia, at Marcelino Fernandez.

Dahil dito maaari ng magamit ang Calamity Fund ng lungsod at mga barangay para tugunan ang pangangailangan ng mga binahang residente.

Nilinaw naman ni Ronald de Guzman, hepe ng City Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) na hindi gagamit ang lahat ng pondo ng calamity fund dahil sa mga inaasahan pang mga kalamidad sa darating na panahon.

Speak Your Mind

*