Dating pangulong Ramos, tumulak na sa hongkong bilang special envoy to China

Tumulak na patungong hongkong si dating pangulong Fidel Ramos bilang special envoy to China.

Paliwanag ni Ramos kung bakit sa hongkong gagawin ang dayalogo, ito ang pinaka-kumbinyenteng lugar.

Aniya, magsisilbi siyang icebreaker para manumbalik ang magandang relasyon ng pilipinas sa China.

Gayunman, hindi raw alam ni Ramos kung sino ang makakausap sa Hongkong at kung ano ang pag-uusapan doon.

Inaasahan namang masusundan ang dayalogo ng pormal na negosasyon sa pagitan ng mga opisyal ng China at Pilipinas.

Si Ramos ang napiling special envoy to China ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos pumabor sa Pilipinas ang ruling ng Permanent Court of Arbitration sa sigalot sa West Philippine Sea.

Speak Your Mind

*