Desisyong ilibing sa libingan ng mga bayani si Marcos, kinontra ni Robredo

Kinontra ni Vice President Leni Robredo ang desisyong ilibing si dating pangulong Ferdinand Marcos Senior sa libingan ng mga bayani.

Iginiit niya na hindi bayani si Marcos.

Ani Robredo, ang mga kagaya ni Marcos na ninakawan ang bansa at nasa likod ng pagkamatay at pagkawala ng ilang Pilipino ay hindi dapat mailibing sa libingan ng mga bayani.

Ang desisyon ay hindi aniya magdadala ng pagkakaisa sa bansa.

Sa halip ay lalo lamang aniyang lalalim ang sugat ng mga nakaligtas at pamilya ng mga biktima ng human rights violation noong termino ni Marcos.

Kinastigo rin ni Robredo ang hindi pagkilala ng pamilya Marcos sa ginawang ito ng kanilang padre de pamilya.

Pinipigilan aniya ng mga ito na maibalik sa taumbayan ang ninakaw ng kanilang pamilya.

Speak Your Mind

*