DOLE-Central Pangasinan, aminadong mahirap imonitor ang mga kasambahay

DOLE BailonMahirap imonitor ang mga manggagawa o kasambahay na nasa ilalim ng kasambahay law.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio, sinabi ni Engr. Engracio Bailon, Chief ng DOLE-Central Pangasinan na ito ay dahil sa bahay-bahay na monitoring ng mga kasambahay.

Dahil dito, patuloy umano ang ginagawang pulic awareness ng DOLE katuwang ang Department of Interior and Local Government o DILG at LGU’S upang ipaalam na may umiiral na Kasambahay Law.

Ang nakakalungkot lang ayon kay Bailon ay marami sa mga Barangay Captain ang hindi nakakaalam sa Kasambahay Law

Ipinaliwanag pa ni Bailon na obligasyon ng mga barangay officials na tugunan at tulungan ang mga kasambahay sakali mang magkaroon sila ng problema sa kanilang mga employers.

Kung hindi na lang aniya kayang ayusin ang gusot ay saka ito idulong sa tanggapan ng DOLE District Office.

Speak Your Mind

*