Donald Trump, binuweltahan ang mga kapartidong bumabatikos sa kanya

Binuweltahan ni U.S Presidential Candidate Donald Trump ang mga kapartido na bumatiko sa kaniya at nanindigang hindi siya iboboto.

Limampung kilalang republican foreign policy at security experts ang nagpahayag ng hindi pagsuporta kay Trump.

Anila, si Trump ang magiging pinaka-reckless na pangulo ng Amerika kung manalo ito sa eleksyon.

Ngunit, ayon kay Trump, pakana lamang ng kaniyang katunggali na si Democratic Standard Bearer Hillary Clinton ang nasabing sulat.

Hinamon naman ni Clinton si Trump na humarap sa mga nakatakdang presidential debates.

Speak Your Mind

*