Donald Trump, hiniling na huwag nang papasukin pa ng bansa

Naghain ng resolusyon si Albay Congressman Joey Salceda para pigilan si U.S Republican Presidential Candidate Donald Trump sa pagpasok sa bansa.

Pinagbatayan ni Salceda ang talumpati ni Trump kung saan binansagan niya ang mga Pilipino na mula sa isang “terrorist state”.

Wala aniyang rason para sabihin ni Trump ang naturang mga pahayag.

Naniniwala rin si Salceda na posibleng maapektuhan ang mga apat na milyong pilipinong nasa Amerika dahil sa Anti-U.S Immigrant Attitude ni Trump.

Hindi rin aniya karapat-dapat si Trump sa hospitality ng mga Pilipino dahil sa offensive statement niya.

Hiniling ni Salceda sa Bureau of Immigration na huwag nang payagan pa si Trump na magtungo sa bansa.

Speak Your Mind

*