Drug testing sa mga estudyante, dapat umanong gawing voluntary – Deped

Deped_Atty Howard ChanNaniniwala ang Department of Education (Deped) Region 1 na dapat gawing voluntary ang pagsasagawa ng drug testing sa mga estudyante.

Ito ang inihayag ni Atty. Howard Chan, Legal Officer ng Deped Region 1 kaugnay sa programa ng Pangasinan Police Provincial Office (PPPO) na Project DIGUNG o random drug testing bilang kampanya laban sa iligal na droga ng administrasyong duterte.

Ayon kay Chan, magamat maganda ang layunin ng drug testing, posible naman aniyang may malabag sa karapatan ng mga estudyante kapag ginawa itong mandatory.

Hindi rin aniya maaaring gawing basihan o dahilan para tanggapin sa isang paaralan ang mga estudyante ang pagpapa-drug test.

Bukas naman aniya ang lahat ng faculty at mga guro ng Deped na sumailalim sa random testing bastat mayroon itong sapat na pondo.

Speak Your Mind

*