Farm mechanization program ng da, malaking tulong sa mga magsasaka

PHPC Engr Edwin BagayMalaking tulong sa mga magsasaka ang ipinapatupad na Farm Mechanization Program ng Department of Agriculture (DA) lalo na panahon ng pag-aani ng palay.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio, inihayag ni Engr. Edwin Bagay, Provincial Post Harvest Program Coordinator na dahil sa modernong makina ay nakakapag-ani ang mga magsasaka kahit panahon ng tag-ulan.

Dahil aniya sa Farm Mechanization Assistance ng D-A ay umabot na sa tatlumpo hanggang apatnapung porsyento ng mga magsasaka sa Pangasinan ang gumagamit ng combined harvester.

Sinabi pa ni Bagay na dahil sa makabagong makina ay malaki ang natitipid ng mga magsasaka, hindi lang sa kanilang gastos kundi sa oras na kanilang ginugugol sa panahon ng pag-aani.

Nabatid na umaabot sa 2.7 milyong piso ang halaga ang isang combined harvester na pinupondohan ng pamahalaan para ipagamit sa mapipiling kooperatiba o assosasyon ng mga magsasaka.

Speak Your Mind

*